Iginiit ni Senator Nancy Binay sa pamahalaan na huwag i-angkla lang sa pagkakaroon ng bakuna ang mga hakbang para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Paliwanag ni Binay, Isang bahagi lamang ang bakuna sa pagpapatibay ng ating public health ecosystem.
Ipinunto ni Binay na pagdating sa prevention, mas mahalaga pa rin ang pagpapatupad ng sensible, basic health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask, at paghuhugas ng kamay.
Ayon kay Binay, magandang balita na may mga vaccines na dinidevelop ngayon laban sa COVID-19.
Pero diin ni Binay, dapat maging lubos na maingat ang pamahalaan at pangunahing isaalang-alang ang kalusugan ng publiko.
Hiniling din ni Binay na dapat ibukas sa publiko ang lahat ng impormasyon ukol sa magiging bakuna laban sa COVID-19.
Umaasa si Binay na natuto na ang gobyerno sa ating naging karanasan kaugnay sa kontrobersyal na Dengvaxia.