Mariing kinondena ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers at tinawag na brutal, makupit at hindi makatao ang mga aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Pangunahing tinukoy ni Barbers ang pagkumpiska at pagtapon o pagsira ng China Coast Guard (CCG) sa pagkain at iba pang supply para sa mga sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal gayundin ang umano’y panghaharass ng China sa paglilikas ng maysakit nating sundalo.
Giit ni Barbers, ang naturang barbaric act ng China ay dapat tapatan ng pinakamatinding pagkondena mula sa international community.
Bunsod nito ay nanawagan si Barbers kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na atasan ang mga kaukulang ahensya na magsampa ng criminal complaints laban sa China sa international bodies na may hurisidiksyon sa isyu.
Kaugnay nito ay inirekomenda naman ni Barbers na gawaran ng pinakamataas na pagkilala ang mga Pilipinong matapang na humharap sa pwersa ng China at naghahatid ng supplies sa ating mga kababayan na nasa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre.