Nagpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang maibalik ang maayos na daloy ng kuryente sa Mindanao.
Ang pahayag ay ginawa ng Presidential Communications Office (PCO) matapos ang pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur kamakalawa ng gabi.
Ayon sa PCO, batay sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naibalik na ang power transmission services sa ilang lugar sa Caraga.
Habang naibalik na rin ang kuryente sa anim na transmission lines na nagseserbisyo sa ilang parte ng Surigao del Sur, Agusan del Sur at Davao Oriental na naapektuhan ng lindol.
Sa kabila naman ng malakas na pagyanig, sinasabing ang transmission line backbone sa tatlong lugar na nasa hanay ng Mindanao grid ay nananatili ring intact o walang naiulat na pagkawala ng kuryente.
Samantala, ayon sa Malacañang, normal ang operasyon at walang naitalang power interruptions sa ilang lugar na pinagseserbisyuhan ng Siargao Electric Cooperative, Inc. (SIARELCO), Davao Oriental Electric Cooperative, Inc. (DORECO) kung saan ilang bayan o barangay lamang ang apektado habang normal din ang operasyon ng Surigao del Sur Electric Cooperative, Inc. (SURSECO I) at nasa anim na lugar lamang ang apektado.