
Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na pinaiigting nito ang mga hakbang upang mapanatiling matatag at abot-kaya ang presyo ng pagkain ngayong papalapit ang Kapaskuhan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipinatutupad ng DA ang maximum suggested retail price (SRP) sa imported na bigas, sibuyas at carrots. Binigyang-diin niya na malaki na ang ibinaba sa presyo ng bigas, mais, gulay at karne—hakbang na mahalaga sa pagpapanatili ng purchasing power ng publiko, partikular ang mga nasa pinakamahihirap na sektor.
Nagpatupad din ang ahensya ng price caps sa karneng baboy at pinayagan ang pag-aangkat ng sibuyas, carrots, karne at isda upang madagdagan ang suplay sa merkado.
Matatandaang iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumaba sa 1.5% ang headline inflation noong nakaraang buwan.









