Mga hakbang para paigtingin ang proteksyon sa West Philippine Sea, isinulong ng isang senador

Isinusulong ni Senate President pro tempore Loren Legarda ang mga hakbang para sa mas pinaigting na proteksyon sa territorial waters ng bansa.

Kaugnay na rin ito sa paulit-ulit na pambu-bully at paglabag ng China sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Iginiit ni Legarda na epektibong ipatupad ng pamahalaan ang “The Hague ruling” na pumapabor sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.


Ipinunto ni Legarda na tungkulin ng gobyerno na igiit ang nasabing desisyon at ito lamang din ang tanging magagawa natin para sa susunod na henerasyon.

Dagdag pa ng senadora ang rekomendasyon na palakasin pa ng mga ahensya tulad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kanilang presensya sa Kalayaan Islands.

Kasabay din ng pagpapahusay ng territorial defense laban sa mga pangha-harass at panghihimasok ng mga Chinese vessels sa ating teritoryo, inihirit din ng mambabatas sa gobyerno na maprotektahan at mapangalagaan ang marine biodiversity sa disputed area.

Facebook Comments