
Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lalo pang palalakasin ang dairy industry ng bansa para matulungan ang mga magsasaka at mapatatag ang lokal na produksyon ng gatas.
Sa inagurasyon ng Farm Fresh Milk Plant sa San Simon, Pampanga, sinabi ng pangulo na kasama sa hakbang ang pagpapautang ng puhunan, pagbibigay ng training sa mga magsasaka, at mas aktibong pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor.
Ayon sa pangulo, nananatiling mababa ang produksyon ng gatas sa bansa dahil sa mataas na pag-angkat at epekto ng pagbabago ng klima.
Ngunit sa pagbubukas ng bagong planta, inaasahang makakagawa ito ng 32 milyong litro ng pasteurized milk at 2.4 milyong litro ng yogurt kada taon.
Nagkakahalaga ng ₱3 bilyon ang pasilidad na resulta ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Malaysia.
Binigyang-diin din ng pangulo ang kahalagahan ng gatas bilang masustansyang pagkain para sa mga kabataan at pangunahing sangkap sa iba’t ibang pagkain.









