Mga hakbang para sa nakatakdang face-to-face classes, inihahanda na ng DepEd

Naglatag ang Department of Education (DepEd) ng ‘suggested steps’ sa pagpili ng mga eskwelahang lalahok sa dry-run ng face-to-face classes sa susunod na taon.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kabilang sa mga requirements ng participating schools ay pahintulot mula sa lokal na pamahalaan.

Ang mga eskwelahan ay dapat nasa low risk areas.


Mayroong tatlong rehiyon na tumangging sumali sa dry-run kabilang ang Davao.

Para sa mga estudyante, kailangang may permiso sa mga magulang o guardian bago sila maaaring sumali sa pilot testing.

Mayroon din dapat written consent mula sa mga magulang na pinapayagan nila ang kanilang mga anak na sumali sa dry-run.

Kapag nasa loob ng campus, ang mga estudyante ay kailangang nakasuot ng face masks at face shields tuwing may face-to-face classes.

Sinisilip na rin ang pagkakabit ng barriers sa mga classroom.

Ang DepEd ay tatalima sa itinakdang patakaran ng Department of Health (DOH) pagdating sa sanitation at assessment.

Facebook Comments