Naglatag ng mga hakbang at rekomendasyon ang Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group (PSAC-HSG) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa pagpapatatag ng sistemang pangkalusugan sa bansa.
Sa pulong sa Malacañang, isa sa mga tinalakay ng PSAC ang Clinical Care Associates Program kung saan naglaan ng pondo ang Commission on Higher Education (CHED) para sa Board reviews ng 1,000 clinical care associates.
Bukod dito, ilulunsad din ang Enhanced Master’s Nursing Program para sa pag-develop ng nurses bilang Faculty members.
Makikipagkasundo rin ang Pilipinas sa bansang Austria para sa pagbibigay ng scholarships, faculty support, at iba pa.
Samantala, isinusulong naman ng PSAC ang drug accessibility at local drug development and innovation para makapag-develop ng mga lokal na gamot at bakuna.