Friday, February 20, 2026

MGA HAKBANG PARA SA PROTEKSYON NG ALAMINOS RIVER, TINALAKAY

Pinag-isa ang iba’t ibang ahensya at organisasyon sa Alaminos City para sa 1st Quarter Management Board Meeting, bilang bahagi ng pagpapaigting ng pangangalaga sa Alaminos River.

Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at katuwang ang DENR-CENRO, dinaluhan ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang lokal na opisina, pambansang ahensya, at organisasyon, kabilang ang City Agriculture Office, City Planning and Development Office, City Disaster

Risk Reduction Management Office, City Information Office, DA-BFAR RO1, Office of the Provincial Agriculturist, DPWH, PSU-ACC, HISVA, at ang Alaminos City Police Station.

Inumpisahan ang pagpupulong sa pamamagitan ng mga update sa mga programa para sa Alaminos River at isinagawa rin ang Water Quality Monitoring Update.

Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang naturang pagpupulong upang masiguro ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya at organisasyon, maprotektahan ang kalidad ng tubig, at masubaybayan ang implementasyon ng mga programa para sa kalinisan at seguridad ng Alaminos River — isa sa pangunahing yaman ng lungsod.

Facebook Comments