
Iniutos ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na mga hakbang sa pagtitipid sa mga estasyon ng kapulisan sa buong bansa sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., maiging ginagamit ng PNP ang resources base sa umiiral na polisiya at ang regular na monitoring ng kanilang fuel at power consumption.
Parte ng isinasagawang hakbang ng PNP sa pagtitipid ay ang pagrereview sa mga hindi importanteng lakad sa mga sasakyan ng pulisya para makatipid ng gasolina.
Ayon pa kay Nartatez, magsasagawa rin ang PNP ng internal audit sa mga gastusin sa kampo upang matukoy ang mga lugar na pwedeng bawasan nang hindi naaapektuhan ang mga operasyon.
Dagdag pa nya, io-optimized din ang logistics at supply chains para sa pagkain, gasolina, at mga utility sa buong bansa.
Tiniyak naman ni Nartatez sa publiko na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng mga kapulisan sa kanilang isinasagawang mga hakbang sa pagtitipid.










