Ipinasisiyasat ng isang senador sa Mataas na Kapulungan ang diumano’y pagkakasangkot ng ilang mga elected government officials at ilang kawani ng pamahalaan sa iligal na droga.
Sa Senate Resolution no. 1163 na inihain ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, binibigyang direktiba ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na imbestigahan ang isyu.
Layon ng pagsisiyasat na linisin ang mga tanggapan ng gobyerno mula sa pagkakasangkot sa illegal drugs.
Giit ni Dela Rosa, walang sinuman ang makahihigit sa batas kahit pa ang mga halal na opisyal at mga kawani ng gobyerno.
Binigyang diin ng mambabatas na palagi dapat naaayon sa standards ng qualification at angkop na magserbisyo sa taumbayan ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan kung saan malaya sila mula sa impluwensya ng illegal drugs at iba pang ipinagbabawal na substance.