
Pinaghihinay-hinay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga halal na opisyal, partikular ang mga nasa National Capital Region (NCR) sa pag-iingay sa social media.
Nagpaalala si DILG Secretary Jonvic Remulla sa mga halal na provincial governors at city mayors na isantabi na ang pamumulitika at ituon ang atensyon sa pagpapabuti ng kalagayan sa buhay ng kanilang mga constituent.
Ani Remulla, dapat maging huwaran ang mga opisyal sa paghahatid ng pag-asa at hindi pag-atupag ng pansariling interes.
Aniya, gamitin ng mga opisyal ang mga nakuhang training para sa higit na pagpapakita ng husay good governance sa antas komunidad.
Facebook Comments









