Mga hamong kinakaharap ng Pilipinas sa West Philippine Sea, naungkat sa pagbisita ngayon sa bansa ng foreign affairs minister ng Timor-Leste

Natalakay sa pagbisita ngayon sa bansa ni Timor-Leste Minister of Foreign Affairs and Cooperation Bendito dos Santos Freitas ang hinggil sa mga hamon na kinakaharap ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa kanyang pagharap sa mga opisyal ng Timor-Leste, binanggit din ni Foreign Affairs Sec. Ma. Theresa Lazaro ang kahalagahan ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagsuporta sa international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Natalakay din ng dalawang opisyal ang hinggil sa pagtutulungan ng Pilipinas at Timor-Leste sa pagbabantay sa borders para matiyak na walang makakalusot na mga pugante.

Tiniyak din ni Sec. Lazaro sa Foreign Affairs minister ng Timor-Leste ang hangarin ng nasabing bansa na maging miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ito ay lalo na’t ang Pilipinas ang incomining chair ng ASEAN sa susunod na taon.

Facebook Comments