Mga hawak na datos ng Amnesty International laban sa Pilipinas kaugnay sa sinasabing Human Rights Violation, mali ayon sa Malacanang

Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na walang basehan ang mga sinasabi ng Amnesty International laban sa Administrasyong Duterte at paratang nito na malala na ang extrajudicial killing sa bansa.

 

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng panawagan ng nasabing Human Rights Group na dapat imbestigahan na ng United Nations ang Pilipinas kaugnay sa war on drugs dahil lumalabas anila na systemic at utos na ng gobyerno ang pagatake sa mga mahihirap na Pilipino na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi naman tama ang mga datos na hawak ng AI laban sa Pilipinas para ito paimbestigahan sa UN Human Rights Council.


 

Binigyang diin pa ni Panelo na pinopolitika lamang ng AI ang issue ng sinasabing human rights violations sa Pilipinas at nahusgahan na ng mga ito ang mga nangyayari sa bansa.

Facebook Comments