Ibinabala ng mga health authorities sa Beijing ang posibleng ikalawang wave ng Coronavirus outbreak sa China.
Kaugnay ito ng 50 panibagong kaso ng virus sa bansa na nagmula sa isang wholesale food market sa China.
Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga bagong kaso ay nagta-trabaho, namili at nagbebenta sa nasabing palengke.
Sa ngayon ay sinara na muna ang palengke dahil isasailalim ito sa inspeksyon habang magsasagawa naman ng PCR tests ang mga otoridad sa lahat ng nagpunta sa nasabing lugar.
Facebook Comments