Mga health care personnel, tinaasan ang mga sahod sa Pasig City

Pinalalakas na ng pamunuan ng Pasig City Government ang mga health care personnel, ito’y matapos na taasan ang kanilang mga sahod tungo sa Universal Health Care.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, mabigat umano ang katungkulan ng mga health center personnel kung saan nadagdagan pa ang kanilang responsibilidad kaya’t naniniwala ang alkalde na napapanahon ng taasan ang kanilang mga sahod.

Paliwanag ng alkalde, ngayong taon umano ay tinaasan na nila ang sahod ng mga Pasig health aide mula sa P5,000 kada buwan ngayon ay P12,000 na ang kanilang mga sweldo kung saan marami umano sa kanila ay 15 taon na o higit pa sa serbisyo sa mga health center ng Pasig City.


Dagdag pa ni Mayor Sotto, sa mga magreretirong Pasig health aide sa kauna-unahang pagkakataon ay makatatanggap umano sila ng separation pay na P10,000 sa bawat taon ng kanilang serbisyo kaya tatanggap sila ng P200,000 kung 20 taon na silang magseserbisyo sa health center.

Facebook Comments