Mga health care worker, nagkasa ng kilos-protesta sa DOH

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga healthcare worker sa harap tanggapan ng Department of Health (DOH).

Ito’y upang ipanawagan ang hindi pa naibibigay nilang benepisyo sa ilalim ng pondo ng Bayanihan 2 law.

Kabilang dito ang meal, accomodation at transportation benefits kasama na rin ang hindi pa naibibigay na active hazard duty pay (AHDP) at special risk allowances (SRA).


Bukod dito, hindi pa rin natatanggap ng ilan sa mga nasabing healthcare worker ang kanilang performance base bonus (PBB) mula sa 2018 hanggang 2020.

Nasa higit 20 healthcare workers na miyembro ng Alliance of Health Workers ang nagsagawa ng kilos protesta na ang iba sa kanila ay nakasuot pa ng personal protective equipment (PPE).

Iginiit din ng grupo na dapat ay naibigay na ang mga nasabing benepisyo lalo na’t ngayong araw o June 30 na lamang epektibo ang Bayanihan 2.

Isa rin sa panawagan ng grupo ay ang pagbibitiw sa pwesto ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa lumantad na isyu nito sa katiwalian sa DOH.

Facebook Comments