Mga health center sa lungsod ng Muntinlupa, full operation pa rin ngayong araw sa kabila ng nararanasang epekto ng Bagyong Opong

Full operation pa rin ang lahat ng health centers sa lungsod ng Muntinlupa.

Sa inilabas na abiso ng Muntinlupa LGU, available ang mga serbisyo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Kabilang rito ang:

– Consultation
– Safety First Aid
– Provision ng Gamot:
• Maintenance Medicine
• TB Dots
• Doxycycline
– Child Immunization
– Family Planning
– Maternal Care
– Laboratory

Kasama na rin ang iba pang serbisyo na Animal Bite Center sa

– Southville Health Center
– Poblacion Health Center
– Putatan Health Center – Annex
– Alabang Health Center
– Cupang Health Center

– Mental Health Consultation
– Community Based Mental Health Clinic, 2/F Poblacion Health Center | 8:00AM – 5:00PM

– Maternal Care and Birthing Clinic
– Muntinlupa Lying-In Clinic (behind Putatan Health Center – Main) | 24/7 operation

– Reproductive Health and Wellness Clinic
– Laguerta Health Center | 8:00AM – 5:00PM

– Free HIV testing
– STI screening
– HIV care and PrEP

Pinayuhan naman ng Muntinlupa ang mga residente na unahin ang kaligtasan sa gitna ng pagtama ng kalamidad.

Facebook Comments