Mga health center sa Metro Manila, bukas na rin tuwing weekends

Kasunod ng apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak, inatasan ngayon ni Health Secretary Francisco Duque ang mga local government officials sa Metro Manila na paigtingin pa ang bakuna kontra tigdas.

Sa pulong kasama ang mga local officials kahapon, ipinag-utos ni Duque ang komprehensibo at malawak na pagbabakuna.

Bunsod nito, kahit weekends ay bukas na ang mga health center sa Metro Manila at handa dapat magbakuna.


Simula ngayong araw, bukas na ang health centers ng Maynila, Quezon City, Parañaque, San Juan at Navotas.

Sa susunod na weekend naman magbubukas ang health centers ng mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Muntinlupa, Marikina, Pasay, Pateros at Valenzuela.

Facebook Comments