Mga health expert, nanawagan na muling ibalik ang Metro Manila sa ECQ

Nanawagan ngayon ang ilang health expert na muling ibalik ang mahigpit na lockdowns sa Metro Manila.

Kasunod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan pumalo na sa 63,001 ang kumpirmadong kaso sa bansa.

Una nang iminungkahi ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na itaas sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang classification sa National Capital Region (NCR), pero mas pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipanatili ito sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang sa July 31, 2020 kasunod ng panawagan ng mga alkalde ng Metro Manila.


Pero ayon kay Dating Task Force Adviser Dr. Tony Leachon, ang deklarasyon ng ilang ospital na ang kanilang Coronavirus wards ay puno na ay merito para sa pagpapatupad ng mas istriktong quarantine.

Binigyang diin nito na kailangang ireview ang case data linggo-linggo o kahit day-to-day at hindi lang dalawang beses sa isang buwan, lalo’t nakakaalarma na ang Pilipinas ay nangunguna sa Asya sa may mataas na bilang ng mga active cases.

Giit ni Leachon, ang pagtaas sa bilang ay nangangahulugan na ang kasalukuyang stratehiya ay hindi epektibo, at kailangan pa ng mas maraming resources para mapigilan na mahawa ang mas maraming Pilipino mula sa sakit.

Facebook Comments