Mga health facilities na hindi nagbibigay ng COVID-19 test sa mga medical workers, iimbestigahan – Malacañang

Paiimbestigahan ng Malakanyang ang mga ospital at health facilities na hindi nagbibigay ng regular na COVID-19 test sa kanilang healthcare workers.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagte-test sa healthcare workers ay nakapaloob sa guidelines ng DOH.

Aniya, ang regular na COVID-19 test sa healthcare workers ay benepisyo na ibinigay ng gobyerno.


Ang sinumang mapapatunayan aniyang lumabag rito ay magkakaroon ng pananagutan.

Kasabay nito, hinimok ni Roque na agad ireport sa DOH sakaling may mga ganitong insidenteng nararansan o nasasaksakihan sa mga ospital at health facilities.

“Iyong mandatory testing po ng health workers na regular is provided in a DOH issuance. So, kung mayroon pong paglabag diyan, ipagbigay-alam lang po sa DOH at paimbestigahan natin kung sinong mga health facilities ang hindi nagbibigay ng mandated ng regular testing for health workers. Iiyan po ay benepisyo na ibinigay na ng gobyerno sa ating mga health workers at actionable po iyan o ibig sabihin pupuwedeng magkaroon ng pananagutan ang ospital na hindi po nagpapatupad niyan,” ani Roque.

Matatandaang maraming healthcare workers ang umalma sa pahayag ni Health Sec. Francisco Duque III na nate-test kada dalawang linggo ang medical frontliners.

Facebook Comments