Mga health facilities, pinatitiyak na makakasunod sa tamang disposal ng mga medical wastes

Nanawagan si Deputy Speaker Loren Legarda sa mga health facilities na tiyaking naitatapon ng wasto ang kanilang mga medical wastes.

Ito’y makaraang magpositibo sa COVID-19 ang walong bata sa Virac, Catanduanes na naglalaro sa lugar kung saan iligal na itinatapon doon ng isang diagnostic center ang mga ginamit na hiringgilya, antigen kits, vials ng blood at urine samples, face masks at iba pang basura mula sa facility.

Apela ni Legarda sa mga health facilities, ospital at diagnostic centers na sundin ang tamang protocols para sa medical waste disposal upang maiwasan ang kahalintulad na pagkakasakit ng mga bata.


Pinayuhan naman ng Antique lady solon ang publiko lalo ang mga kabataan na huwag pulutin o paglaruan ang mga hazardous waste upang hindi sila mahawa ng virus.

Iminungkahi ng kongresista na kapag nakakita ng iligal na pagtatapon ng medical waste ay agad itong ipagbigay-alam sa mga otoridad.

Facebook Comments