Mga health protocols sa mga lugar na idineklarang GCQ at MGCQ, patuloy na ipatutupad nang PNP

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac na patuloy na magiging masigasig ang PNP sa pagpapairal ng mga health protocols at pagtulong sa mga Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng mga lokal na health ordinances sa mga lugar na idineklara ni Pangulng Rodrigo Duterte na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Aniya, kabilang dito ang pagtatatag ng mga Quarantine Control Points para matiyak ng mga awtorisadong indibidwal lang ang lumalabas ng bahay.

Kasama rin dito ang pagtiyak na nasusunod ang mga restrictions sa pampublikong transportasyon.


Sinabi pa ni Banac na oobserbahan ng PNP ang mga administratibong kautusan ng mga nakatataas para mapangalagaan ang kalusugan ng mga pulis.

Partikular dito ang Memorandum Circular No. 79 na may petsang August 3, 2020, na inisyu ng Office of the President patungkol sa Operational Capacity na dapat ipatupad ng mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Sinabi pa ni Banac na ang operasyon ng PNP ay susunod sa guidelines ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Inter-Agency Task Force (IATF).

Muling nanawagan si Banac sa mga residente sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ na makipagtulungan sa mga lokal na awtoridad para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments