Mga health worker na nagpabakuna sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, umakyat na sa 370

Umakyat na sa 370 ang bilang ng mga medical frontliner at mga hospital staff ng Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o mas kilala bilang Tala Hospital ang naturukan ng bakuna mula sa donasyon ng China na Sinovac.

Mas mataas ito sa naunang bilang na 180 na nagpahayag ng kahandaang magpabakuna Sinovac.

Ayon kay Tala Hospital Medical Director Dr. Alfonso Victorino Famaran Jr., mula sa naturang bilang, nasa 14 ang nakaranas ng mild side effects kabilang dito ang bahagyang pagkahilo at pagtaas ng presyon.


Ayon kay Director Famaran, wala naman silang naitalang severe adverse side effect mula sa mga naturukan ng bakuna ng Sinovac.

Mahigit 1,900 ang bilang ng mga medical frontliner at mga hospital staff ng Tala Hospital ang kinailangang mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments