Taos-pusong nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong administrasyon at sa lahat ng nakatulong niya kasabay ng kaniyang huling State of the Nations Address (SONA) na ginanap ngayong hapon sa session hall sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Ilan sa mga partikular na pinasamatan ng Pangulo ay ang; mga health workers na unang tumutugon sa pagsugpo sa COVID-19 pandemic; ang buo niyang gabinete; at ang pribadong sektor na nagkaroon ng malaking ambag upang mapanatiling nagpapatuloy na maganda ang lagay ng ekonomiya.
Ayon kay Pangulong Duterte, noong una siyang naluklok sa pwesto noong nakalipas na limang taon, nakatanim na sa kaniyang isipan ang mga pangarap at nais niya sa mga Pilipino para sa isang magandang bukas.
Binigyang-pasalamat din ni Duterte ang lahat ng mga tumalima sa kaniyang panawagan upang matulungan ang bawat isa sa gitna ng pandemya kinakaharap ng bansa.
Sa ngayon, tiniyak ni Pangulong Duterte ang pagtulong sa mga pribadong sektor na makabangon sa pandemya dulot ng COVID-19 bago matapos ang kaniyang panunungkulan bilang punong ehekutibo ng Pilipinas.