Mga health workers, huling makakatanggap ng bakuna kontra COVID-19

Magpapahuli ang mga tauhan ng Department of Health (DOH) sa mga magpapabakuna kontra COVID-19 sa hanay ng mga health worker.

Ayon kay Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, ang mga nasa health facility ang top priority maging ang DOH dahil ito ang mga nagsasagawa ng contact tracing.

Maglilibot naman ang DOH sa susunod na linggo at sa unang linggo ng Pebrero upang isapinal ang master list ng mga indibidwal na tatanggap ng COVID-19 vaccine.


Sa ngayon, base sa pinakahuling datos, dapat nasa edad 18-anyos ang puwedeng bakunahan pero nakadepende pa ito sa bilang ng bakuna at uri nito.

Facebook Comments