Mga health workers magsasagawa ng kilos protesta sa harapan ng Comelec

Manila, Philippines – Susugurin ng mga health workers ang tanggapan ng Comelec upang hikayatin ang mga Comelec officials na ikunsidera ang kanilang samahan para sa darating na halalan.

Ayon kay Lovely Tangal, Media Liaison Officer ng Aksyon Health Workers dapat ipaliwanag ng husto ng Comelec kung bakit na dis-qualify ang Aksyon Health Workers Partylist gayong lehitimong naman ang kanilang mga kasapi na kinabibilangan ng mga health professionals, health workers, health students mga doktor at nurses.

Paliwanag ni Tangal kakalampagin nila ang mga opisyal ng Comelec upang hikayating baliktarin ang kanilang unang desisyon at ikunsidera na lehitimo ang Aksyon Health Workers Partylist.


Dagdag pa ni Tangal na susugod sila mamaya sa Comelec kasama ang kanilang mga kamag-anak, pasyente, health advocates at kliyente upang ipanawagan ang kalusugan ng mamamayan ay dapat na ipaglaban, manggagawang pangkalusugan ay dapat na manindigan.

Giit ng Aksyon Health Workers Partylist na mariing nilang ipinaglalaban na magkaroon ng libreng gamot at libreng serbisyo sa mga pampublikong hospital para sa publiko.

Facebook Comments