Mga health workers’ ng OsMak, hatid-sundo na ng mga shuttle bus ng Makati City Government

Sa nagpapatuloy na Enhanced Community Quarantine, Hatid-sundo na ang mga health workers’ ng Ospital ng Makati (OsMak) na nagsimula kahanpon ng hapon, kabilang dito ang mga doktor, nurse at iba pang empleyado ng nasabing ospital.

Ayon kay Mayor Abby Binay, nais niyang matiyak na magpapatuloy ang mga operasyon at serbisyo ng OsMak at hindi ito maantala ng dahil sa kakulangan ng transportasyon.

Ang mga bus ay manggagaling sa tatlong lugar, sa LRT-Buendia, Puregold Makati at Waterfun-C5.


Mula sa nasabing lugar, doon susunduin ang mga kawani ng OsMak na on duty.

Sa pag-uwi naman ng mga empleyado, susunduin sila sa itinalagang pick-up point malapit sa OsMak at ihahatid sa malapit sa kanilang tirahan.

Anyon sa alakde ito ang kanilang tugon upang matulongan ang mga health workers’ ng Makati, sa kabila ng ipinatupad na ban sa mga pampublikong transportasyon matapos ideklara ng pambansang pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Tiniyak naman niya na mahigpity na maipatutpad ang mga precautionary measures laban sa pagkalat ng virus tulag ng social distancing at madalas na pag disinfect sa sasakayan.

Facebook Comments