Mga health workers ng PNP, handa nang tumulong sa vaccination program ng mga LGU

Nakahandang tumulong ang Philippine National Police (PNP) sa mga Local Government Unit (LGU) sa patuloy na vaccination program kontra COVID-19.

Ayon kay PNP Chief Pol. Gen. Guillermo Eleazar, libre ngayon ang kanilang mga health workers sa PNP Health Service dahil nabakunahan lahat ang kanilang mga tauhan sa A1, A2 at A3 Category.

Paliwanag ni Eleazar, naghihintay lang naman ang PNP na simulan na ang pagbabakuna sa A4 category para muling ituloy ang pagbabakuna sa mga pulis.


Nakikipag-usap na aniya sila ngayon sa LGU ng Quezon City para maipahiram ang kanilang mga PNP health personnel sa pagbabakuna, habang wala pa silang panibagong babakunahan sa PNP.

Wala naman daw sa kanilang problema dahil utos ng Pangulo sa PNP na tumulong sa national vaccination program.

Facebook Comments