Mga Health Workers sa City of Ilagan, Isabela, Pinaglaanan ng Libreng Dormitoryo!

60

Cauayan City, Isabela- Pinaglaanan ng pamahalaang Lungsod ng Ilagan ng libreng dormitoryo ang mga health workers na nagtatrabaho sa mga ospital sa Lungsod sa pamumuno ni City Mayor Jay Diaz.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Ricky Laggui, General Services Officer ng LGU Ilagan City, ilan kasi aniya sa mga health workers sa Lungsod ay mga galing sa malalayong lugar at sa ibang bayan.

Sinabi aniya ni City Mayor Jay Diaz, malaking tulong ito para sa kanilang mga health workers upang maiwasan ang kanilang paglabas pasok sa Lungsod at hindi na rin mahirapan sa kanilang pagpasok sa trabaho.

Ito’y upang matiyak din ang kaligtasan ng mga Health workers at magkaroon na rin ng sariling quarantine.

Samantala, nakipagpulong na rin si Mayor Diaz sa mga ospital sa Lungsod para sa itatalagang isolation facilities kung sakaling magkaroon ng mga panibagong Person Under Investigation (PUI) sa Lungsod.

Facebook Comments