Isinagawa kamakailan ang PuroKalusugan 2025 Resource Mapping at Operational Planning 2026-2028 na pinangunahan ng Local Health System Section sa Pangasinan.
Dumalo rito ang mga healthcare workers at health professionals mula sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sa lalawigan.
Layunin ng aktibidad na suriin ang distribusyon at kakulangan ng mga health resources sa mga barangay upang maging batayan sa data-driven planning para sa taong 2026.
Bahagi rin ito ng pagpapatibay sa Universal Health Care (UHC) at pagpapalakas ng lokal na health systems.
Inaasahang magreresulta ang inisyatiba sa kumpletong resource mapping report, pagtukoy ng mga kakulangan at prayoridad na lugar para sa resource augmentation, at pagbubuo ng CY 2026 Operational Plan na may malinaw na estratehiya, target, at monitoring mechanism.
Pinagtibay rin nito ang ugnayan ng mga stakeholder sa pagbibigay at pagpaplano ng serbisyong pangkalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









