Tiwala si Dr. Guido David ng OCTA research team na hindi magkakaroon ng spike o pagtaas ng kaso ng COVID-19 kahit pa marami sa mga healthcare workers ang hindi pa umano natuturukan ng 2nd booster dose.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. David na maliit lamang naman aniyang bilang o pattern ito sa pangkalahatan para magdulot ng pagtaas.
Paliwanag ng David na nakikita naman nila na bakunado naman ang karamihan sa healthcare workers kaya mataas pa rin ang proteksyon ng mga ito laban sa malalang kaso ng COVID-19.
Kasabay nito ay hinikayat ni David ang mga ito na hanggat maaari, magpa-2nd booster shot na.
Kung darating man aniya ang bivalent vaccines sa susunod na taon, mainam na ring makapagpaturok ang mga healthcare worker para tumaas muli ang kanilang proteksyon laban sa sakit.