Mga healthcare worker na pinalayas sa kanilang inuupahan, tutulungan ng pamahalaan – Pangulong Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng pagkain at matitirahan ang healthcare workers na pinalayas ng kanilang landlords at lessors sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na nakadudurog ng puso na ang mga medical frontliner ay pinaaalis sa kanilang mga tinutuluyan dahil lamang na-expose sila sa virus.

Pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga healthcare worker na nakaranas nito na tumawag direkta sa opisina ni National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr. para sila ay matulungan.


Maaaring isumbong ng mga frontliner sa pamahalaan ang pangalan ng kanilang landlords at landowners.

Biro pa ng Pangulo, kapag nagkasakit ang mga landowner ay hindi tatanggapin sa mga ospital.

Nabatid na maraming medical frontliners ang nakaranas ng diskriminasyon dahil sila ay nagtatrabaho sa mga ospital at mayroong inaalagaang pasyenteng may COVID-19.

Facebook Comments