Umakyat na sa 2,736 ang bilang ng healthcare workers na nagpositbo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
1,589 rito ang nakarekober na sa sakit habang ang 1,115 medical workers ay mga aktibong kaso na ngayon ay nasa pagamutan at isinasailalim sa quarantine.
Sa nasabing bilang, 990 ang mild cases; 124 ang asymptomatic; at isa ang severe condition.
Nananatili naman sa 32 ang nasawing mga health workers simula May 29.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na natanggap na ng 26 na pamilya ng mga nasawing healthcare workers ang kanilang P1 million death benefit.
Habang nasa proseso na ang pamilya ng anim na iba pang nasawing health workers.
Matatandaang una nang nagbigay ng deadline hanggang ngayong araw, June 9, 2020 si Pangulong Rodrigo Duterte para maiabot ang kompensasyon ng health workers na nasawi at nagkaroon ng COVID-19.