Mga healthcare workers ng PNP, nabigyan na ng booster shot

Nakatanggap na ng booster shot kontra COVID-19 ang nasa 666 na healthcare personnel na nakatalaga sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Health Service Director Police Brigadier General Antonio Cirujales, bakuna ng Pfizer ang ginamit nilang booster shot sa unang batch ng health service personnel.

Sa ngayon, hinihintay na lamang aniya ng PNP ang 500 doses ng bakuna ng Moderna at Pfizer mula sa Department of Health (DOH) upang mabigyan ng booster shot ang iba pang tauhan.


Nabatid na 1,242 health service personnel ang nag-signify para sa booster shot.

Samantala, sa ngayon, 210,836 police personnel o 93.37 percent ang fully vaccinated o nakumpleto na ang bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments