
Handang mag-deploy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Cebu Province ng mga kakailanganin nitong tulong nito.
Ito’y upang mapabilis ang recovery efforts sa mga lugar na lubhang nasalanta ng Bagyong Tino.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong at solusyon para tulungan ang mga lokal na pamahalaan at residente na binaha dahil sa bagyo.
Ini-utos na rin nito sa DPWH Central Visayas Office ang pag-deploy ng mga heavy equipment gaya ng backhoe at dump truck maging ang mga personnel na magsasagawa ng clearing operations sa mga kalsada para mai-ayos ang daloy ng trapiko.
Nais ng ahensya na mapabilis ang delivery ng relief goods at medical assistance sa mga apektadong residente.
Dagdag pa ng kalihim, nagsimula na ang declogging operations upang linisin ang mga putik na galing sa ilog na pumasok sa mga drainage.
Kasama sa mga binisita ng Kalihim ang apektadong lugar malapit sa Mananga River sa Talisay kung saan mahigit 3,000 pamilya ang nasalanta gayundin sa Mandaue City kung saan 5,000 pamilya naman ang naapektuhan.









