Mga heneral ng PNP, hinamon ni Pangulong Marcos na maging mga kinatawan ng magandang pagbabago

Nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 57 mga heneral ng Pambansang Pulisya na promote sa ranggo mula pa noong kasagsagan ng pandemya o April 2020 hanggang nitong July 2023.

Sa kaniyang talumpati kahapon sa Palasyo ng Malacañang, hinamon ng Presidente ang mga promoted generals na maging agents of positive change o mga kinatawan ng mga positibong pagbabago.

Paalala rin ng pangulo sa harap ng mga heneral na walang puwang sa kaniyang administrasyon ang pangungunsinto sa mga opisyal ng pulisya na umaabuso sa kanilang kapangyarihan at posisyon.


Hinimok ng presidente ang mga heneral na panatilihin ang integridad sa lahat ng pagkakataon at manatiling committed sa pagsisilbi nang tapat sa bayan at sa publiko.

Kasabay nito ay kinilala ng pangulo ang mahirap na trabaho ng mga pulis para mapanatili ang seguridad ng taongbayan.

Inaasahan aniya niya na magsisilbing magandang halimbawa ang bawat pulis.

Facebook Comments