Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng chief of police sa bansa na makipag-ugnayan sa mga alkalde at Local Government Unit (LGU).
Ayon kay PNP Director for Operations PMGen. Valeriano de Leon layon nitong mapalakas pa ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Ani De Leon sa ganitong paraan makatitiyak na magiging “airtight” o matibay ang mga kaso na isasampa ng pulis sa kanilang mga operasyon.
Lumalabas kasi na maraming nababasurang kaso ang PNP dahil sa kakulangan o mahinang ebidensya.
Idinagdag pa nito na sang-ayon siya sa sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na sayang naman ang sakripisyo ng mga pulis kapag nababasura lamang ang inihahain nilang mga kaso.
Facebook Comments