Mga hepe ng pulisya, inalerto ng NCRPO laban sa mga nagvi-videoke sa oras ng online class

Inatasan ng NCRPO ang mga hepe ng pulisya na makipag-ugnayan sa mga barangay kaugnay ng pagbabawal sa pag-videoke sa araw ng may pasok ang mga estudyante sa buong Metro Manila sa pagsisimula ng blended learning education.

Kasunod na rin ito ng direktiba ni PNP Chief General Camilo Cascolan sa regional at district directors na bawal na ang malalakas na videoke para hindi maistorbo ang mga estudyante sa distance learning.

Layon nito na makapag-concentrate ang mga mag-aaral sa kanilang klase kahit sa gabi dahil mayroon ding mga estudyante na may online night class.


Facebook Comments