Pansamantala munang isinara sa publiko ang mga makasaysayang tanawin sa Vigan City, Ilocos Sur.
Ito ay matapos magtamo ng pinsala ang ilang sa istraktura bunsod ng magnitude 7 earthquake kahapon.
Kabilang sa mga hindi nakaligtas sa hagupit ng lindol ay ang Vigan Cathedral at ang Bell Tower sa bayan ng Bantay.
Nakitaan din ng bitang ang ilang century-old ancestral houses at buildings sa kahabaan ng tanyag na Calle Criosologo.
Napabalitang may ilang turista ang nasugatan sa kasagsagan ng lindol ngunit nabigyan naman ng lunas kaagad.
Kabilang ang heritage village ng Vigan City sa UNESCO’s world heritage sites simula pa noong December 1999 dahil sa well-preserve monumental buildings nito.
Samantala, tiniyak ng pamunuan ng National Museum of the Philippines (NMC) na makikipagtulungan sila para sa pagrerehabilitate at pagrestore ng ilang heritage sites na napinsala ng lindol.