Siyam na high powered firearms ang isinuko kahapon sa pamunan ng 2nd Mechanized Infantry Batallion na nakabase sa Datu Salibo, Maguindanao.
Kinabibilangan ito ng caliber 50 sniper rifle , dalawang US caliber M1 Garand rifle modified into caliber 7.62 M14 rifle , 2 US caliber 30 M1 Garand rifle modified into 7.62 M14 rifle , 3 US 5.56 Colt M16 rifle, at isang US caliber 5.56 Elisco M16 rifle with attached locally made na M203.
Sinasabing nagmumula ang mga isinukong baril sa mismong mga Baranggay Kapitan ng Datu Piang , Datu Saudi Ampatuan, mga residente, myembro ng Task Force Itihad at isang Private Armed Group Member .
Nagpapasalamat naman si 601st Brigade Commander, Brig Gen Diosdado C. Carreon sa pagtugon ng mga residente sa kanilang panawagan at kampanya kontra loose firearms. Patuloy rin nitong hinihikayat ang publiko na isuko ang kani kanilang mga armas lalo na sa mga walang mga kaukulang dokumento.
Maliban sa mga isnukong baril walang tigil rin ang operasyon ng militar kontra loose firearms sa kanilang mga AOR na nagresulta ng pakakarekober ng ilang mga matataas na kalibre ng baril.
Sinasaluduhan naman ni Major General Arnel Dela Vega, 6th ID Commander ang mga inisyatiba at pagsisiskap ng 2nd Mech sa ilalim ng 601st Brigade kasabay ng pag-asang tuluyang maging gun less society ang buo nitong nasasakupan.
6th ID Pics