Mga high powered firearms ng mga security agency pinasusuko ng PNP

Nagpapatuloy ang panawagan ng PNP Civil Security Group sa mga may ari ng mga security agency na isuko na ang kanilang mga high powered firearms.

 

Ito ay matapos ang inilabas na memorandum ng PNP-CSG, Firearms and Explosives Office at Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o SOSIA batay na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang taong 2017.

 

Nakasaad sa memorandum na bawal na sa mga sibilyan ang magkaroon ng mga high powered firearms.


 

Dahil maari lamang daw gamitin ng sibilyan partikular mga security guards ay shotgun at handgun.

 

Ito’y dahil sa ilang mga insidente ng agaw-armas kung saan nakakakuha ang mga kalaban ng estado ang matataas na kalibre ng baril mula sa mga sibilyan at private security guards.

 

Sinabi ni PNP-CSG Director Police Brig Gen Roberto Fajardo na sa ngayon ay iniimbentaryo na ang lahat ng mga high powered firearms na rehistrado sa mga security agencies at private security providers  para malaman kung sino pa ang hindi nagko-comply sa kautusan.

 

Banta ni Fajardo, tatangalan ng license to operate ang mga security agency na hindi susunod.

Facebook Comments