
Welcome kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang pagbisita ni Vice President Sara Duterte sa Camp Crame para personal na masaksihan ang makabagong teknolohiya ng pulisya.
Ayon kay Torre, iniimbitahan niya si VP Sara na bumisita upang ipakita ang mga makabagong kagamitan ng Pambansang pulisya gaya ng drones, CCTV, body cameras, at high-tech na radios na ginagamit sa operasyon at emergency response.
Ang imbitasyon ay tugon ni Torre sa naunang pahayag ni VP Duterte na tinawag na “outdated” ang pinaigting na police visibility o ang “pulis sa kanto” approach.
Giit ni Torre, malayo na ang narating ng kapulisan pagdating sa modernong teknolohiya para sa seguridad ng publiko.
Facebook Comments









