Mga highly skilled at professional OFWs, iminungkahi na gawing instructor

Inirekomenda ng isang kongresista na kunin bilang instructor ang mga professional at highly-skilled Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi ng bansa bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo, maaaring i-tap ng Department of Education (DepEd), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher Education (CHED) ang mga OFW upang maibsan ang epekto ng kawalan ng trabaho at kita ng mga nagsi-uwiang kababayan.

Iminungkahi ni Tulfo na ang mga seafarers, chef, cooks at house keeping staff ay maaaring i-hire kahit contract of service o job order instructor sa mga maritime colleges, training centers at senior high schools.


Samantala, ang mga OFW na specialists at subject matter expert ay maaari namang kunin ng mga Business Process Outsourcing (BPO) company.

Sakali namang hindi kalakihan ang sweldo na maibibigay ng mga institusyon, ay maaari aniyang tumulong ang Department of Labor and Employment (DOLE)at ang Department of Finance (DOF) upang madagdagan ito sa pamamagitan ng cash at non-cash aid.

Facebook Comments