Mga hindi bakunado kontra COVID-19 sa NCR, bawal lumabas ng bahay

Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos matapos ang pagpupulong kaninang umaga ng Metro Manila Council (MMC) kaugnay ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Abalos, napagkasunduan ng Metro Manila mayors na sa ilalim ng umiiral na Alert Level 3, hindi papayagang lumabas ang mga unvaccinated individual, maliban na lamang kung sila ay bibili ng mga essential goods at services.

Ito ay upang maprotektahan sila sa COVID-19 at maiwasan ang pagdami pa ng kaso ng virus sa Metro Manila.


Una nang inirekomenda ng Philippine College of Physicians sa pamahalaan na pagbawalan din ang paglabas ng mga kabataan partikular ang mga hindi pa bakunado.

Ayon kay PCP President Dra. Maricar Limpin, isa ang mga kabataan sa maituturing na high risk sa COVID-19 kung saan dumami ang naitala nilang pediatric cases nitong Disyembre dahil sa paglabas ng mga ito.

Facebook Comments