Mga hindi bakunado, mas puntirya ng Omicron variant

Target puntiryahin ng COVID-19 Omicron variant ang mga nasa bahay na hindi pa bakunado.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na may ilan kasing mga pag- aaral na nagsasabing 19% ng mga household ang tinatamaan ng Omicron variant kumpara sa 8.5% lamang na nagagawa ng Delta variant.

Mayroon din aniyang pag -aaral sa United Kingdom na nagpapakita na ang mga nakatatanda at mga kabataan na kasama sa bahay ng mga adult na hindi pa nababakunahan ay mas malaki ang tsansa na tamaan ng Omicron variant.


Kaya mahalaga aniya na lahat ng miyembro ng pamilya ay mabakunahan lalo na ang mga senior citizen at may comorbidities.

Kasunod nito, muling umapela si Cabotaje sa publiko lalo na sa mga mga hindi pa rin nagpapabakuna na huwag nang mag -alinlangan pa at magpaturok na upang magkaroon ng proteksyon ang buong pamilya.

Ongoing aniya ang part 2 ng National Vaccination Drive kung saan kahit walk in ay pinapayagan na.

Facebook Comments