Pabor si Senator Nancy Binay sa pagpasok ng mga turistang dayuhan sa Pilipnas para makatulong sa industriya ng turismo bukod sa kailangan na nating yakapin ang pamumuhay na kasama ang virus.
Subalit para kay Binay, ang mga turistang hindi pa bakunado laban sa COVID-19 ay mainam na payagan lang muna sa mga lugar na may nakapwestong medical safeguards.
Giit ni Binay, dapat ay tapos na tayo sa “trial and error” phase kaya mainam na mapanatili ang pagtanggap ng mga turista dahil ang pabago-bagong polisya hinggil dito ay makakaapekto ng mabigat sa kalusugan ng publiko at ekonomiya.
Muling binigyang diin ni Binay na ang mga desisyon at polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ay dapat suportado ng localized surveillance system at mabisang contact tracing system.
Sinabi ni Binay na kung hindi magagawa ang mga bagay na ito ay masasayang lang ang mga narating natin sa paglaban sa COVID-19 pandemic.