Nabawasan na ang mga pulis na hindi bakunado laban sa COVID-19.
Ito ay matapos na ipatupad ng Philippine National Police (PNP) ang “no jab, no duty” policy.
Batay sa datos mula sa Health Service ng PNP, mula sa 1,808 na mga hindi bakunadong pulis nitong December 6, bumaba ito sa 1, 700 ngayong araw, December 8.
Sa mga hindi pa nagpapabakuna, 908 ang may valid reason tulad ng medical conditions, allergies, buntis at religious beliefs at 792 naman ang walang valid reason.
Matatandaang nilinaw ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos na sa ilalim ng bagong polisiya ay ililipat sa “low risk” na trabaho ang mga pulis.
Ibig sabihin, hindi sila ia-assign sa local police stations at bibigyan lang ng administrative work.
Dahil naman sa mga bagong bakunado, 99.25 percent na ng pwersa ng PNP ang bakunado sa sakit.
212, 545 ang fully vaccinated at 11, 347 ang nakatanggap na ng 1st dose.