Mga hindi lisensyadong baril, nasamsam ng CIDG sa isang lalake sa Surgao del Norte

Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Surigao del Norte Provincial Field Unit ang isang lalaki matapos masamsam ang dalawang hindi lisensyadong baril.

Nasabat sa bahay ng suspek na kinilalang si alyas Marmito ang isang Interdynamic Kg9 9mm Luger, isang caliber .45 pistol, mga magasin, at mga bala.

Sa ulat ng CIDG, matagal nang inirereklamo ng mga kapitbahay ang suspek dahil umano sa pagtatago ng mga baril na nagdudulot ng takot sa komunidad.

Hawak na ngayon ang suspek at nahaharap sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kasunod nito, tiniyak ng CIDG na magtutuloy-tuloy ang kanilang kampanya kontra loose firearms sa buong bansa.

Facebook Comments