Inaasahang babayaran na ng gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia ang nasa 9,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na sapilitang pinauwi dahil sa hindi nababayarang sahod.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, isa ito sa nagpagusapan ng Pilipinas at KSA sa katatapos lamang na diyalogo nitong nakaraang linggo.
Posible aniyang gawin ito sa Disyembre kasabay ng pagbisita ni KSA Labor Minister Ahmed al-Rajhi sa bansa.
Maliban dito, nagpagusapan din ang posibilidad na pagbawi ng suspensyon sa Arab Mega Recruitment Agencies na responsable nasabing isyu.
Matatandaang una nang nagbabala ng total deployment ban ang gobyerno ng Pilipinas sa Saudi Arabia kapag hindi pa nabayaran ang sweldo at end-of-services pay ng mga OFWs.